Like Us

Monday, June 13, 2011

Papa Jack Conversation with Caller



DAMANG DAMA KO TO

GUY CALLER: Nakipagcommunicate po sa akin ang ex ko, magkita daw po kami sa monday. Itong x ko pong ito bigla niya po akong iniwan dati. Wala po kaming formal break-up. Gusto ko po sanang makipagkita kasi I want closure. (crying)

PAPA JACK: May gf ka ba ngayon?

GC: Meron po. 1yr and 2mos na. Siya po yung sumalo sa akin nung iniwan ako ng ex ko.

PJ: O anong tanong mo sa akin?

GC: Kasi Papa Jack, nung nakausap ko po yung ex ko, bigla po akong naguluhan. Parang nagulo po ang mundo ko. (crying) Akala ko po kasi moved on na ako, pilit ko siyang kinalimutan dati sa tulong gf ko ngayon. Dapat ko po ba siyang puntahan?

PJ: Mahal mo pa ang ex mo kung ganon. Knowing na nagkakaganyanka, naging unstable ang emotions mo, ay senyales lang na you’re not yet over her.

GC: Akala ko nga din po eh. Siya lang po kasi ang nakapagpatino sa akin dati Papa Jack. Kaya hindi ko po siya makalimutan.

PJ: Ganito ano, makipagkita ka sa kanya. Kunin mo yang closure na hinihingi mo. Para masagot din ang mga tanong mo kung bakit ka niya iniwan dati. Pero, pero, magpaalam ka sa gf mo. Kasi the fact the hindi ka magpapaalam, nagtataksil ka na nun. Mahal mo ba gf mo?

GC: Opo mahal ko naman Papa Jack. Kaya lang pag nagpaalam po ako tiyak na magagalit siya.

PJ: Natural. Alangan maglupasay yun sa tuwa.

GC: Wala po bang madaling paraan para magpaalam sa kanya?

PJ: Wala. You have to do it the hard way. Alam mo, natatakot ako para sayo. Kasi ang dating sa akin is, you want to win your ex gf back. At naiintindihan naman kita dahil sabi mo nga, sobra mo siyang minahal dati at siya lang ang nakapagpabago sayo dati. Ang sad part lang dito, paano na ang gf mo ngayon? Kahit hindi mo sabihin sa akin, I know you want her back. And ayaw mong magpaalam sa gf mo kasi you are playing safe. Na baka kapag hindi successful na bumalik sayo ex mo, meron ka padin gf na babalikan. And that’s unfair




SAPUL

PAPA JACK: Kung isang araw kumatok siya sa pintuan mo at nagmakaawa na balikan mo siya, babalikan mo ba?

LADY CALLER: Hindi na po. Masyado po kasing masakit ang ginawa niya sa akin.


PAPA JACK: Sigurado ka na ba sa sagot mong yan?

LADY CALLER: Opo.

PAPA JACK: Maganda yan. Matalino ka na nakapagdesisyon kang alagaan ang sarili mo. Eh bakit sabi mo natatakot ka na magkita kayo?

LADY CALLER: Hindi ko rin po alam.

PAPA JACK: Ganito. Natatakot ka sa sarili mo dahil baka pag nakita mo siya hindi mo mapigilan at muli mong maramdaman ang pagmamahal na pilit mong kinakalimutan. Mahal mo pa siya. Tama o mali?

LADY CALLER: Tama po. (sobbing)

More Papajack Conversation with Caller

24 comments:

Post a Comment